Ang Pinagmulan ng Bohol

(Alamat ng Boholanos)

Ang mga tao noon ay naninirahan sa kabila ng ulap.  Isang araw, ang kaisa-isang anak na babae ng datu ay nagkasakit.  Hindi mapalagay ang datu.

Tanod, may sakit ang anak ko.  Humayo ka, papuntahin mo rito ang manggagamot.  Ngayon din!

Ngayon din po, Mahal na Datu!

Nang dumating ang matandang manggagamot at ang tanod sa tahanan ng Datu. . .

Magagawa ng matandang lalaki ang anuman na makagagaling sa kanya! ang sabi ng datu.

Sinuring mabuti ng matandang manggagamot ang maysakit.  Pagkatapos ng pagsusuri, nag-usap ang manggagamot at ang Datu sa labas ng kubo.  Tumawag ng pulong noon din ang datu.

Mga kalalakihang nasasakupan ng aking barangay.  Makinig kayo sa akin.  Maysakit ang aking anak na babae at ang tanging hinihiling ko ay ang inyong tulong.  Sundin ninyong lahat ang mga tagubilin ng manggagamot. . . . upang magbalik ang dating lakas ng aking anak.

Mga lalaki, dalhin ninyo ang maysakit sa malaking puno ng balite.  Hukayin ninyo ang lupang nakapaligid sa mga ugat, ang utos ng manggagamot.

Gagawin naman ang iyong ipinag-uutos alang-alang sa pagmamahal namin sa datu at sa kaniyang kaisa-isang anak na babae!

Nagsimulang kumilos ang mga tauhan ng datu.  Pinuntahan nila ang lugar na kinatatayuan ng puno ng balite.  Ang maysakit na anak ng datu ay isinakay sa duyan.

Hinukay ng ilang lalaki ang lupa sa paligid ng mga ugat ng puno ng balite.  Nang ito’y matapos.

Dalhin ang maysakit sa kanal!  Ang tanging makagagaling sa kanya ay ang mga ugat ng malaking puno ng balite.  Buong ingat na inilagay sa kanal ang maysakit.

Ngunit sa di-inaasahang pangyayari, bumuka ang lupa. . .

Ooooops, Aaaa. Ama ko, tulungan ninyo ako Ama. . .

At babae’y tuluyang nahulog sa hukay ng ulap.

O, Diyos ko. Ang aking anak. Ibalik ninyo siya sa akin. . . O, hindi!  Ang aking anak!

Huli na ang lahat, Datu.  Siya’y patay na!

Pages