Ang Alamat ng Kamya

Malungkot na nagkahiwalay ang magsing-ibig ng araw na iyon.

Kinabukasan, nagulat si Miya nang datnan niya si Kam sa tabing-ilog na nakabihis nang puting-puti.

Miya, ngayon din ay pakakasal tayo, wika ni Kam sabay yakap sa dalagita.  Tayo na sa iyong Ingkong at magsasabi tayo sa kanya na tayo'y pakakasal.

Magkakapit kamay na lumakad ang dalawa ngunit naramdaman ni Miya na may lakas na naghihiwalay sa kanila.

Miya! Kapit nang mahigpit sa akin!, utos ni Kam.

Ngunit malakas ang puwersa na naghihiwalay sa magsing-ibig.  Natakot si Miya nang makabitiw siya sa kamay ng binata.  Nagpipilit si Kam na maabot siya ngunit patuloy ang lakas na humahatak sa binata hanggang sa makarating ito sa tubig.

Kitang-kita ni Miya na sumulpot sa tubig ang ipuipo.  Papalaki nang papalaki ang bilog nito hanggang sa higupin nito si Kam sa ilalim ng tubig.

Umiyak na naghihintay si Miya sa pagbabalik ni Kam.  Ngunit dumating ang tanghali at lumubog na ang araw ay wala pa rin si Kam.  Isang tanglaw ang nakita ni Miya sa papalapit sa kinatatayuan niya sa pampang ng ilog.

Miya, wika ng matandang ingkong sa dalagita.  Bakit hindi ka umuuwi ng bahay?

Ipinagtapat ni Miya sa kanyang Ingkong ang pagkikilala, pag-iibigan nila ni Kam at ang balak nitong pagpapakasal sa kanya nang umagang iyon.  Inilarawan niya sa kanyang Ingkong ang lakas na naghiwalay sa kanila, ang paghigop ng ipuipo kay Kam at ang kanyang pag-aantay.

Hindi po ako aalis dito Ingkong.  Mag-aantay po ako kay Kam, wika ni Miya.

Ilang araw at gabing nag-aantay si Miya.  Gaya ng nakaugalian ng ingkong ni Miya, tuwing umaga ay dinadalhan niya ang pagkain ang dalagita.  Ngunit nang umagang iyon ay hindi niya nadatnan si Miya sa tabing-ilog.  Sa halip, ang nakita niya ay isang malagong halaman na may bulaklak na puting-puti at humahalimuyak sa bango.  Sa puno nito ay nakita ng matanda ang bingwit ni Miya at ang bunton ng mga suso, gabe at pako.

Ito marahil ang aking apong si Miya na nag-aantay sa naglahong si Kam, umiiyak na sabi ng matanda.

Nabalita sa nayon ang pag-iibigan ni Miya at ni Kam at ang kanilang pagkawala gayundin ang pagtubo sa pampang ng ilog ng isang natatanging halaman na mabango at maputi ang mga bulaklak.  Mula na noon tinawag nilang Kamya ang halamang ito bilang pag-aalaala sa magsing-ibig na sina Kam at Miya.