Kabanata 25: - Page 2 of 2

Sa Tahanan ng Pilosopo

(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ay sunod-sunod na tanong ang kanyang pinakawalan: (1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya?  (2)Kailangan bang maapi upang maging mabutiing Kristiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin?  (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?

Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na Sapagakat ang lupang pagtatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway.  Kayo ay mahina upang lumaban.  Kailangang humalik muna kayo ng kamay!  Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing:  humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa libingan.  Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon.  Ngunit ang anak ay hindi nakakalimot!

Sa sinabing ito ni Ibarra, inimungkahi ng matanda na habang buhay sa alaala ng binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan.  Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan.  Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abang naipangakong handog sa kasintahang si Maria.  Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.

Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana.  Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa.  Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa dayami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin.  Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali.  Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng Makopa.  Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim.  Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa.   ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin.  Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa.  Kaya, kailangan nito ang sandalan.  Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo.  Ang masama ay sumalubsob  sa punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.

Tinanong ng binata kung malilimot ng Kura ang ginawa niya.  Nag-aalala na baka pakitang–tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtuturo ay magiging kaagaw ng kumbento sa kayamanan ng bayan.

Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito.  At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula.  Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang Kura na marahil ay hindi naman kasingtulad ng umusig sa kanyang ama.  Ipakikiusap din niya sa Kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak.  Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.

Learn this Filipino word:

kápalin