Ang Magandang Dilag at ang Kuba

(Parabula / Parable)

Minsan may isang magandang dilag na sinusuyo ng halos lahat ng kalalakihan sa nayon.

Ngunit ang magandang dilag ay tila mapili o sadyang pihikan.  Sa dinami-rami ng mga manliligaw nito’y wala pa ring mapili.

Ayon sa magandang dilag, hindi lang panlabas na anyo ang batayan nito sa pagpili ng lalaking mapapangasawa.  Ang hinahangad nito ay isang lalaking mamahalin siya ng lubos.  

Isang gabi, isang kuba ang umakyat sa kanya ng ligaw.

Nagtawanan ang ilang binata na nakasabay ng kuba sa panliligaw.

Batid ng mga ito na wala nang kapag-a-pag-asa ang kubang iyon sa pihikang dilag.

Nang makita nga ng magandang dilag ang kuba na nakatakdang manligaw sa kanya ay napailing ito.

Hindi man siya naghahangad ng masyadong guwapo, pero ang kubang ito ay sadyang nakaririmarim pagmasdan.  Hirap itong lumakad at tunay na may kapangitan.  

Hindi alam ng dilag kung papaano niya sasabihin sa kuba na wala na itong pag-asa sa kanya.

Ngunit nang mahalata iyon ng kuba ay bigla itong nagsalita.  Naniniwala ka ba na ang bawat nilalang ay pinaglalaanan ng Diyos ng makakapareha sa buhay?

Tumango ang magandang dilag, dahil naniniwala siya doon.  Sa katunayan, iyon ang hinihintay niyang dumating sa kanyang buhay.  Ang lalaking kapareha ng kanyang kaluluwa.

Kung ganoon, hindi mo na ba ako natatandaan? ang biglang tanong ng kuba.

Nagtaka ang magandang dilag, Ha? Nagkita na ba tayo?

Kung sabagay, hindi kita masisisi.  Hindi mo na nga ako makikilala pa…

Nasilip ng magandang dilag sa mga mata ng kuba ang kakaibang kalungkutan.  Siya’y nahabag dito at nagsabing, Sige, isalaysay mo sa akin ang una nating pagkikita…