Kabanata 5:

Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)

Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego.  Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga Guwardiya Sibil.

Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo.  Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago.  Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor.  Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo.  Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw.  Si San Jose naman.  Kasunod naman ay mga batang may mga parol.  Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.

Natapos ang prusisyon.  Napuna ng mga Sibil na walang ilaw an parol ng karitela.  Pinarusahan uli ng mga Sibil ang kutserong si Sinong.  Naglakad na lamang si Basilio.

Tanging bahay ni Kapitan Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio.  May mga manok na pinapatay.  Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa Kura, sa Alperes, at kay Simoun... nagkakaunawaan na tayo, G. Simoun, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas.  Nagbilin ng isang kairel sa relo ang Alperes.  Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili’ ng kura. (Bakit kaya hikaw?)

Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao.  Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin.

Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.

Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat.  Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda... Ibig niyang makatistis ng tao.  Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kabesang Tales.  Di nakakain ng hapunan si Basilio.